^

Police Metro

SC: Petisyon vs session na nagluklok kay Gatchalian, ibinasura

Ludy Bermudo - Pang-masa
SC: Petisyon vs session na nagluklok kay Gatchalian, ibinasura
Senator Sherwin Gatchalian at the Senate in Pasay City on July 29, 2026.
Ryan Baldemor/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyong kumukuwestiyon sa pagkakabuo ng bagong mayorya sa Senado noong June 3, na dinaluhan ng 12 senador, nagdeklara ng bakante ang lahat ng posisyon, at inihalal si Senator Sherwin Gatchalian na bagong Senate President Pro Tempore.

Walang nakitang grave abuse of discretion o pag-abuso sa kapangyarihan ang Korte Suprema.

Ayon sa Supreme Court, naaayon sa batas at umiiral na jurisprudence ang ginawang sesyon.

Binatikos ng petisyon ang nasabing sesyon dahil 12 senador lamang ang dumalo sa halip na buong bilang na inaasahan.

Gayunpaman, ibinatay ng mga senador ang kanilang aksyon sa lumang ruling ng Avelino v. Cuenco para ideklarang sapat ang 12 miyembro para sa isang quorum.

Nangyari ang sesyon matapos mag-boycott ang da­ting mayorya ni Senate President Alan Peter Cayetano.

Noong Hunyo 17, sa special session, tuluyan nang nahalal si Gatchalian bilang Senate President, sa tulong ni Sen. Joel Villanueva bilang ika-13 boto.

SHERWIN GATCHALIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with