^

Police Metro

Gobyerno magbibigay ng P60 arawang subsidy sa mga SME

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Malacañang magbibigay ang gobyerno ng P60 na arawang wage subsidy sa mga small and medium enterprises na nahihirapang ipatupad ang bagong minimum wage increase.

Ito ang sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro, sa ilalim ito nang ilulunsad na Sagip Trabaho Program ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Layunin ng programa na maiwasan ang pagbabawas ng mga empleyado at pagsasara ng mga maliit na negosyo.

Ibibigay ang ayuda sa loob ng tatlong buwan o para sa mga buwan ng Oktubre, Nobyembre at Disyembre.

Upang maging kwalipikado, kailangang magsumite ang mga negosyo ng Department of Trade and Industry certificates, financial records at listahan ng mga empleyado sa online portal o DOLE regional offices.

Ang hakbang ng Palasyo ay kasunod ng P60 daily minimum wage increase sa National Capital Region (NCR) sa P755 para sa non-agricultural workers at P718 para sa agricultural at small retail establishements, na tinatayang makikinabang ang 1.1 milyong mangagawa.

DOLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with