Paras, 4 na abogado, sinampahan ng disbarment sa ‘honeytrap’

MANILA, Philippines — Naghain kahapon ang National Bureau of Investigation (NBI) ng disbarment complaint sa Korte Suprema laban kay dating Negros Oriental Representative Jacinto “Jing” Paras at apat na iba pang abogado.
Ito ay may kaugnayan sa kanilang pagkakasangkot sa umano’y “honeytrap” plot o planong paninira na nagta-target kay Executive Secretary Ralph Recto.
Ayon sa imbestigasyon ng NBI-NCR, ang apat na abogadong kasama ni Paras ay nagmula sa Rondain and Mendiola Law Firm na sina Attys. Ruy Rondain, Orlando Mendiola, Patrick Criaga, at Josemilio Manuel Apostol.
Sila umano ay inakusahang naatasang gumawa ng “script” o mga pekeng pahayag at affidavit laban kay Recto gamit ang mga ni-recruit na kababaihan.
Isinampa ang kasong disbarment matapos na mai-transmit ng NBI-NCR ang reklamong qualified human trafficking sa Department of Justice (DOJ) laban kay Paras, 4 na abogado at kay Batangas 1st District Representative Leandro Leviste, at sa talent manager na kinilalang si alyas “Ken” noong Setyembre 4.
Ang mga babaeng alaga ni Ken ang inalok na aakto para magreklamo laban kay Recto at palalabasin na bukod sa pakikipagtalik ay pinagdo-droga sila.
- Latest




















