Gatchalian: Cayetano siblings, ‘di kailangang magpaalam sa Senado para mag-abroad

MANILA, Philippines — Sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na hindi kailangang magpaalam o mag-abiso sa Senado ang mga mambabatas kung ang paglabas nila ng bansa ay para sa personal na lakbayin.
Ayon sa Senate President, walang patakaran o regulasyon sa Senado na nag-aatas sa mga senador na humingi ng pahintulot o magbigay ng pormal na abiso kapag personal ang layunin ng biyahe.
Ito ay kasunod ng kumpirmasyon hinggil sa pag-alis ng bansa nina Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano at Senadora Pia Cayetano patungong Singapore.
“Actually, wala pa akong official information kung talagang nakalabas siya o hindi. Baka nakikita natin sa social media dating pictures na ‘yan. Pero, pag personal trips, hindi naman kilangang magpaalam sa Senado,” ani Gatchalian.
Anya, hindi kailangang ipagbigay-alam ng mga senador sa Senado o kumuha ng travel authority para sa personal at mga pribadong biyahe.
Kinumpirma rin ng Bureau of Immigration (BI) ang pag-alis ng magkapatid na senador, ngunit nilinaw ng pamunuan ng Senado na pasok sa mga patakaran ang naturang personal na biyahe kahit walang pormal na paunang abiso sa tanggapan.
- Latest



















