^

Police Metro

Gibo kay VP Sara: Ipatanggal ang escorts kung walang tiwala

Joy Cantos - Pang-masa
Gibo kay VP Sara: Ipatanggal ang escorts kung walang tiwala
Secretary of National Defense Gilberto Teodoro Jr delivers a speech as he attends the sixth plenary session of the 23rd Shangri-La Dialogue summit in Singapore on May 31, 2026.
AFP / Jam Sta Rosa

MANILA, Philippines — Kung wala nang tiwala sa Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) sa korte at maging sa kaniyang security team ay maaaring ipatanggal na ni Vice President Sara Duterte anumang oras ang kanyang mga security escorts.

Ito ang sinabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., na prerogatibo ni VP Duterte kung ayaw na nito sa kaniyang mga security detail na binubuo ng halos 400 na karamihan ay mga sundalo.

Ito ang reaksyon ni Teodoro sa sinabi ni VP Sara noong Setyembre 5 matapos itong magkomento hinggil sa isyu nang maglagak ng P360,000 piyansa sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) kaugnay ng inisyung warrant of arrest laban sa kaniya sa tatlong counts ng grave threats.

Ayon kay Teodoro karapatan ni VP Sara na hilingin na i-withdraw ang mga security escorts nitong mga sundalo anumang oras kung kaniyang nais.

Nilinaw naman ng Kalihim na wala pa siyang natatanggap na kahilingan kay VP Sara para i-withdraw ang kaniyang mga escort na mga sundalo.

Inihayag pa ni Teodoro na bahala na si VP Sara na magdesisyon kung sino ang gusto niyang manati­ling security escorts niya o kung tuluyan na niya itong alisin.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with