Reklamong perjury ni VP Sara kontra kay Madriaga, ibinasura
MANILA, Philippines — Dahil sa kakulangan ng ebidensya ay ibinasura ng Taguig City Prosecutor’s Office ang reklamong perjury na inihain ni Vice President Sara Duterte laban kay Ramil Madriaga.
Magugunita na inireklamo ni Duterte si Madriaga noong Marso 2026 dahil sa umano’y pagpapakalat ng kasinungalingan at disinformation.
Sa kanyang complaint affidavit, itinanggi ni Duterte na magkakilala sila o nagkaroon ng personal o propesyunal na relasyon.
Ayon sa prosecutors, hindi sapat ang mga ebidensiyang iniharap ni Duterte upang mapatunayan na sadyang nagsinungaling si Madriaga sa ilalim ng panunumpa.
“Wherefore, premises considered, it is respectfully recommended that instant complaint for Perjury against Ramil Lagunoy Madriaga, a.k.a. Ramil Lagonoy Madriaga, be dismissed for lack of prima facie evidence with reasonable certainty to conviction,” sabi ng Taguig Prosecutor’s’ Office sa 19-pahinang resolusyon na isinapubliko nitong Huwebes, Setyembre 10.
Nauna nang sinabi ni Madriaga na nag-deliver umano siya ng malaking halaga ng pera sa ilang indibidwal matapos iutos ni Duterte, na noon ay Education Secretary at inakusahan din nito na tumanggap ng 2022 campaign funds mula sa mga drug lord at Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Itinanggi ito ni Duterte at sinabing wala siyang kailanman ibinigay na “instructions of any kind” kay Madriaga at hindi niya ito dinalaw o nakausap habang nasa kulungan.
- Latest



















