P7.2 trilyong 2027 national budget target ipasa sa Oktubre 9
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni House Committee on Public Works and Highways Chairperson at Appropriations Vice Chairman Romeo Momo Sr., na target ng Kamara na ipasa ang panukalang P7.2 trilyong 2027 national budget sa ikatlo at huling pagbasa sa Oktubre 9 matapos na makumpleto na ang deliberasyon ng mga komite.
Sinabi ni Momo na natapos na ang House Committee on Appropriation ang pagdinig sa mga panukalang pondo ng mga ahensiya ng pamahalaan at magsasagawa na ng deliberasyon sa panukalang spending plan sa susunod na linggo.
Aniya, matapos na makumpleto na ang pagdinig ng mga komite ay “on track” ang Kamara sa ilalim ni Speaker Faustino Dy III para ipasa sa itinakdang iskedyul ang House General Appropriations Bill (GAB) bago ang pagtatapos ng legislative calender sa susunod na buwan.
- Latest

















