^

Police Metro

Dy, tuloy ang laban para sa ‘Bagong Kongreso’

Butch Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nanawagan si House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III sa mga mambabatas at kawani ng Kamara na magkaisa at ipagpatuloy ang mga hakbang para maibalik ang tiwala ng publiko sa Kongreso.

Sa kanyang sorpresang birthday ­celebration noong Agosto 31, nagpa­salamat si Dy sa mga kasamahan niyang hindi sumuko sa kabila ng mga pagsubok na kinaharap ng institusyon.

“Hindi tayo sumuko lumaban tayo.Lumaban tayo ibangon ang Kongreso. Salamat sa tiwala,” ani Dy, na nagdiwang ng kanyang ika-65 kaarawan.

Ayon sa Speaker, mahaba pa ang ­proseso ng pagbawi ng tiwala ng publiko kaya kailangan ang patuloy na pagtutulungan at paninindigan sa tama.

“Mahaba pa ang laban natin. Nakakapag-umpisa pa lang tayo,” saad niya.

Isinusulong ni Dy ang tinatawag na “Bagong Kongreso,” na nakatuon sa transparency, pananagutan, reporma at konkretong serbisyo para sa mga Pilipino.

Giit niya, hindi lamang mga mambabatas kundi maging ang mga kawani ng Kamara ay may mahala­gang papel sa pagbangon ng institusyon at pagpapatibay muli ng tiwala ng taumbayan.

KONGRESO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with