^

Police Metro

Pulis todas sa inaarestong magnanakaw

Joy Cantos, Arnell Ozaeta - Pang-masa

Binaril sa ulo

MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang pulis matapos na barilin sa ulo ng inaarestong suspek sa pagnanakaw naganap nitong Lunes sa Brgy. Sampaga, Balayan, Batangas.

Kinilala ang nasawing biktima na si P/Staff Sergeant Von Rico Macuha, miyembro ng Sta. Teresita Municipal Police Stationsa nasabing lalawigan.

Batay sa ulat, alas-4:00 ng hapon nang magsagawa ng operasyon ang mga elemento ng pulisya upang arestuhin ang suspek si Carlo Arcilla Sape, residente ng bayan ng Sta. Rita na sangkot umano sa mga nakawan sa Balayan at iba pang bahagi ng lalawigan.

Sa halip na sumuko ay nagtatakbo si Sape kaya’t hinabol ito ng mga awtoridad at nagpaputok ng baril habang nasa mataas itong bahagi ng lugar.

Dito ay tinamaan ng bala sa ulo si Macuha na unang isinugod sa pagamutan sa Calaca City bago ito inilipat sa intensive care unit ng isang ospital sa Balayan, pero binawian ng buhay sa insidente.

Nagpapatuloy ang pagtugis ng pulisya laban sa tumakas na suspek hanggang sa makorner na sa halip sumuko ay nanlaban ito kaya’t napatay.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with