^

Police Metro

39 katao nasawi sa habagat; 9.4 milyong apektado

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 39 katao ang naitalang nasawi sa dalawang bagyo at habagat habang tumaas na rin sa  9.4 milyong katao ang apektado sa mga hinagupit na lugar sa bansa.

Batay sa update ng  Office of Civil Defense (OCD) nasa mahigit 2.7 pamilya o kabuuang 9.4 milyong indibidwal o karag­dagang 1 milyon pang katao ang naapektuhan ng mapaminsalang kalamidad ng  habagat na halos isang buwan ng humahagupit sa Central Luzon, Northern Luzon, National Capital Region, MIMAROPA, at CALABARZON.

Ang habagat ay matinding nakaapekto sa 6,328 barangays sa 10 rehiyon sa bansa habang nasa 711 lugar pa rin ang hindi pa humuhupa ang baha.

Sa mga naapektuhang katao nasa 20,279 mga pamilya o kabuuaang 71.364 katao ang nananatili pa rin sa nasa 968 evacution centers.

Ayon kay OCD Deputy Administrator Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, patuloy ang monitoring ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan sa lalawigan ng Pampanga na pinaka­matinding tinamaan ng delubyo ng habagat at mara­mi pa ring lugar ang hindi pa humuhupa ang baha.

Kabilang dito ang sitwasyon sa North Luzon Expressway sa San Simon, Pampanga na noong Lunes ay umabot sa pitong kilometro ang trapik dahilan sa epekto ng pagbaha.

Nasa 3,900 kabahayan ang napinsala kabilang ang 538 tulay na nawasak at nasa P6.27 bilyon sa imprastraktura at P 2.84 bilyon sa agrikultura ang napinsala.

TYPHOON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with