Pag-ban sa Facebook at bayolenteng online games suportado ng Malacañang
MANILA, Philippines — Pabor ang Malacañang na pag-aralan ang pagbabawal sa Facebook at mga bayolenteng online game matapos maiugnay ang mga ito sa mga naganap na karahasan sa mga paaralan.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na panahon na para pag-aralan kung nakakabuti pa ba sa bansa o nakakatulong na lamang sa paglaganap ng fake news sa Pilipinas ang social media platform na Facebook.
Reaksyon ito ni Castro matapos ang pahayag ng Cybercrime Investigation Coordinating Council (CICC) na ikinu-konsidera ng tanggapan ang mga suhesyon na i-ban na ang Facebook sa Pilipinas, kasunod na rin ng mga school-related violence na naitala sa bansa.
Lalo na aniya iyong mga hindi kinakikitaan ng accountability, at makupad umaksyon sa mga pakiusap ng gobyerno upang maproteksyunan ang mga Pilipino.
Kung hindi rin aniya makatutulong sa pagprotekta sa mga kabataan, mas mabuti na silipin na kung dapat pa ba silang manatili sa sistema ng bansa.
- Latest
















