Namatay sa habagat, 2 bagyo umakyat sa 26 – NDRRMC

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 26 na ang bilang ng mga nasawi dahil sa pinagsamang epekto ng habagat at mga Bagyong Luis at Maymay.
Ito ang iniulat kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na batay sa latest situation report ay pinakamarami sa mga nasawi ay naitala sa Benguet, kung saan 15 katao ang namatay dahil sa mga pagguho ng lupa o landslide.
Habang 17 katao naman ang naiulat na nasugatan, habang isang indibidwal sa Batangas ang kasalukuyang nakalistang nawawala.
Sa kabuuan, nasa 1,468,226 pamilya o 5,146,748 indibidwal ang naapektuhan nang malalakas na pag-ulan na dulot ng habagat.
Kabilang sa mga naapektuhang lugar ang —Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Cordillera Administrative Region, Metro Manila, Calabarzon, at Mimaropa.
- Latest


















