^

Police Metro

P7.2 trilyong 2027 national budget lalagyan ng safeguards

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang hindi mabahiran ng anumang anomalya ay tiniyak kahapon ni House Committee on Appropriations Chairperson Mikaela Angela Suansing na lalagyan ng pananggalang ang P7.2 trilyong 2027 national budget ng pamahalaan.

Ito ay matapos na pormal na simulan sa Kamara ang pagtalakay sa P7.2 trilyong National Expenditures Program (NEP) ng pamahalaan para sa susunod na taon.

Sa kaniyang panimulang talumpati sa briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na binubuo ng mga economic managers ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 Ayon kay Suansing, maghihigpit ang kaniyang komite sa deliberasyon ng pambansang pondo upang tiyakin na ang pera ng taumbayan ay mapupunta sa programa na tumutugon sa ­pangangailangan ng mga Pilipino.

“Ang bawat piso ng budget na ito ay galing sa dugo at pawis ng mga Pilipino, kaya magiging masusi po ang ­deliberasyon ng inyong Kongreso sa mga darating na buwan upang siguraduhin na ang bawat piso ay ilalaan sa mga programang inyong mararamdaman – na ito ay tunay na tumutugon sa ­pangangailangan ng ating mga kababayan at ng ating bansa,” ani Suansing.

Binigyang diin ni Suansing na ang deliberasyon ng panukalang 2027 national budget ay bubuuin sa reporma na tulad sa 2026 national budget ay masusing hihimayin ang pondo ng bawat ahensiya ng gobyerno na titiyaking transparent ito.

Bumuo na rin ng Budget Amendments Review Sub-Committee (BARSC) kung saan ang mahigit 20 hours ng deli­berasyon ay ila-livestream at aaprubahan ang amendments na ipripisintang isa-isa o punto bawat punto.

NATIONAL BUDGET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with