^

Police Metro

Ex-OVP officer: P125 milyong secret funds inilagay sa 4 bag

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni ­dating Office of the Vice President (OVP) special disbursing officer Gina Acosta na apat na hugis oblong na traveling bag inilagay ang P125 million confidential funds (CF) na winidraw sa Land Bank of the Philippines (LandBank) sa Shaw Boulevard branch.

Si Acosta ang ­unang hostile witness ng prosekusyon na iniharap sa ika-16 araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa pagtatanong ni private prosecutor Atty. Amando Virgil Ligutan, kinilala ni Acosta si Duterte bilang opisyal na nag-utos sa kanya na i-turn over ang confidential funds kay security officer Col. Raymund Dante Lachica, na noon ay pinuno ng Vice Presidential Security and Protection Group.

Kinumpirma rin ni Acosta na ini-withdraw niya nang cash ang buong halaga mula sa Land Bank of the Philippines noong Disyembre 20, 2022.

“Nilagay ko po sa ­aking apat na bag,” aniya, at inilarawan ang mga ito bilang oblong-shaped na travel bags.

Iniulat na ang P125 milyon ay inilabas sa OVP sa mga bundle na tig-P1 milyon at idineklarang nagastos sa loob lamang ng 11 araw, mula Disyembre 21 hanggang 31, 2022, kabilang ang mga araw ng holiday.

Pinagtibay ni Acosta ang kanyang naunang testimonya sa House Committee on Good Government and Public Accountability na iniutos ni Duterte ang paglilipat ng pera dahil alam umano ni Lachica kung paano isagawa ang confidential operations.

“May utos po ni Ma’am Inday Sara na sa kanya po i-release kasi siya po ang nakakaalam kung paano po i-implement ang mga programs and activities in line po sa confidential activities,” aniya.

Nagpatotoo rin si Acosta na umasa lamang siya sa liquidation documents at impormasyong ibinigay ni Lachica at hindi niya tinanggihan o kinuwestiyon ang mga isinumite nito.

Ipinakita sa naunang testimonya na anumang halagang hindi nagastos hanggang Disyembre 31 ay kailangang ibalik sa National Treasury at hindi maaaring ituring na ­savings ng OVP.

Iniulat ng OVP na ginamit ang pera para sa mga reward payment, pagbili ng impormasyon at iba pang confidential operations.

Gayunman, kinuwestiyon ng mga state auditor ang mga supporting document na may mga pangalang inilarawan ng mga mambabatas na kahina-hinala o posibleng kathang-isip.

Kabilang sa mga ­pangalang lumitaw sa acknowledgment receipts ay sina “Mary Grace Piattos,” “Chippy McDonald,” “Andy Lim” at “Pikit.” Nakasaad na nakatanggap si “Mary Grace Piattos” ng P70,000.

GINA ACOSTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with