Solon gigil na sa pag-isnab ni VP Sara sa impeachment trial

MANILA, Philippines — Ang patuloy na pang-iisnab umano sa paglilitis ng Senate impeachment court na nasa 15 araw ni Vice Presidente Sara Duterte ay asal na kawalang respeto sa konstitusyon.
Ito ang naging banat at tila gigil na si Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante Jr. na kung saan nagtungo lang si Duterte sa Senado ay para pulungin lang ang kaniyang mga abogado at aalis kaagad na hindi sumisilip sa plenaryo kung saan isinasagawa ang paglilitis na nasa ika-15 araw na.
Bagaman una nang sinabi ni VP Sara na haharapin niya ang paglilitis sa tamang forum ay hindi rin ito sumipot sa Senate impeachment court.
Aniya, maging sa pagdinig ng justice panel ng Kamara ay inisnab lamang ito ni VP Sara sa kabuuan ng pagdinig sa isyu ng confidential funds.
Una nang nagsagawa ng pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa umano’y irregularidad sa paggamit ng P612.5 milyong confidential funds ni VP Sara sa Office of the Vice President (OVP) at DepEd noong ito pa ang Kalihim ng ahensiya sa pagitan ng taong 2022 hanggang 2024.
Pinuna ni Abante na simula ng isagawa ang paglilitis sa Senate impeachment court noong Hulyo 6 ay hindi ito dumadalo na inuuna pa ang pagbiyahe sa ibang bansa.
- Latest



















