^

Police Metro

6 dam, tumaas ang antas ng tubig – PAGASA

Angie dela Cruz - Pang-masa
6 dam, tumaas ang antas ng tubig – PAGASA
Ang anim mula sa 9 na dam sa bansa na patuloy na sinusubaybayan tulad ng Angat, Ipo, Ambuklao, San Roque, Pantabagan, at Magat Dam pero ang tatlong dam tulad ng La Mesa, Binga at Caliraya Dams ay bumaba ang water level.
PTV

MANILA, Philippines — Dulot ng walang puknat na pag-uulan sa Luzon, tumaas na ang water level sa anim na ­pangunahing dam sa bansa sa nakalipas na 24 oras.

Ang anim mula sa 9 na dam sa bansa na patuloy na sinusubaybayan tulad ng Angat, Ipo, Ambuklao, San Roque, Pantabagan, at Magat Dam pero ang tatlong dam tulad ng La Mesa, Binga at Caliraya Dams ay bumaba ang water level.

Ang  Angat Dam sa Bulacan  na pinagkukunan ng 90 percent ng tubig ng Metro Manila ay tumaas ang water level sa 1.47 metro sa nakalipas na 24 oras na mula sa 180.10 metro ay naging 181.57 metro samantalang sa San Roque Dam sa Pangasinan ay tumaas ang water level ng 1.20 metro na mula 266.20 metro ay naging 267.40 metro.

Ang water level sa Ipo Dam sa Bulacan ay tumaas ng 0.15 metro o naging 100.85 metro mula sa da­ting 100.70 metro.

Tumaas naman ang water level ng Magat Dam sa Isabela ng mula 177.91 meters ay naging 178.01 meters, Pantaba­ngan dam sa Nueva Ecija ay mula 185.48 meters ay naging 186.09 meters samantalang ang  water level sa Ambuklao Dam sa Benguet na mula 751.61 meters ay naging 751.70 meters.

Bumaba naman ang antas ng tubig sa Caliraya dam sa Laguna; Binga dam sa Benguet, at La Mesa dam sa Quezon City dahil sa kakaunting ulan ang naranasan dito kahit pa nag-uulan sa Luzon sa nakalipas na mga araw.

LUZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with