^

Police Metro

3.1 milyong katao apektado ng 2 bagyo at habagat - NDRRMC

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng National Disaster Risk Management Council (NDRRMC) na nasa mahigit 3.1 milyong katao ang apektado ng masamang lagay ng panahon dulot ng pananalasa ng bagyong Luis, Maymay, at Habagat.

Sa tala ng NDRRMC, nasa kabuuan nang 909,133 pamilya o kabuuang 3,148,255 milyong katao ang naapektuhan ng masamang lagay ng panahon sa Region I, II, III, V,VI, IX, CALABARZON, Cordillera Administrative Region (CAR), National Capital Region (NCR), at MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan).

Nasa 21 katao ang nasawi kabilang ang 15 nairecord sa Benguet, sampu rito ay sa landslide sa Baguio City, dalawa sa La Trinidad, at tatlo sa Atok.

Nasa 3 katao naman ang nasawi sa Rizal habang sa Batangas naman ay tatlo katao.

Gayunman sa update ng Philippine National Police (PNP) ay pumalo na sa 26 katao ang naitalang nasawi bagaman ang iba rito ay wala pa sa rekord ng NDRRMC.

Inihayag pa ng NDRRMC na sa kasalukuyan ay nasa P2,109,761,681 ang naitalang pinsala sa agrikultura at P196,851,447 naman sa agrikultura.

NDRRMC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with