^

Police Metro

Abot-kayang pagkain, top concern ng mga Pinoy – survey

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nananatiling top concern ng mga Pinoy ang pagkakaroon ng abot-kayang pagkain.

Ito ang lumabas sa survey na idinaos ng Pulse Asia mula Hunyo 28 hanggang Hulyo 3 at 6 na kinomisyon ng Stratbase Group, bago ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw.

Batay sa resulta ng survey, nasa 30% ng mga Pinoy ang nagsabi na ang dapat na pangunahing prayoridad ng pamahalaan ay gawing mas affordable o abot-kaya ang presyo ng mga pangunahing pagkain sa bansa, gaya ng bigas, karne at isda.

Nais din ng mga Pinoy na tutukan ng pansin ng pamahalaan ang pagbawas o tuluyang pagpuksa ng korapsiyon sa bansa, gayundin ang paglikha ng mas maraming trabaho at mapagkakakitaan, na kapwa nakapagtala ng 28%.

Ayon kay Stratbase Group Pres. Dindo Manhit, makikita sa resulta ng survey ang pagiging consistent ng mensahe ng mga Pinoy sa pamahalaan at ito ay ang panatilihin ang pagsisikap na gawing abot-kaya ang pag­kain habang humihiling na palakasin ang aksiyon laban sa korapsiyon at pagbibigay ng disenteng trabaho at pagkakakitaan para sa mga mamamayan.

Lumitaw rin sa survey na ang pinaka-nakapokus sa pagpapababa ng presyo ng pagkain ay ang mga Pinoy na mababa ang sahod habang ang mga respondents naman na mataas ang sahod ay mas nakatutok sa korapsiyon at paglikha ng trabaho.

Sinabi pa ni Manhit na nahaharap ngayon ang administrasyon sa mas mala­king hamon, higit pa sa pagkontrol ng implasyon.

Nasa 14% naman ng mga Pinoy ang nagsabi na dapat na asikasuhin din ng pamahalaan ang pagkakaloob ng accessible na edukasyon at healthcare services habang 1% naman ang may ibang isyung tinukoy na dapat maging top priority ng gobyerno.

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with