^

Police Metro

3 patay sa bagyong Kiyapo, habagat – NDRRMC

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na tatlong katao ang nasawi habang isa pa ang nawawala dulot ng pinagsamang epekto ng bagyong Kiyapo at habagat.

Sa ipinalabas na situational report ng NDRRMC, ang mga nasawi ay mula sa Davao Region at SOCCKSKSARGEN na dumanas ng mga pagbaha sanhi ng ma­lalakas na pag-ulan.

Ayon kay Diego Agustin Mariano, Deputy Spokesperson ng Office of Civil Defense (OCD) sa ilalim ng NDRRMC, dalawa sa mga nasawi ay mula sa SOCCKSARGEN (South Cotabato, Cotabato City, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos City) at isa naman sa Davao Region pawang inaalam pa ang sanhi ng pagkamatay na may kinalaman sa masamang lagay ng panahon.

Si Kiyapo ay minomonitor na sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na huling namataan sa layong 815 kilometo sa kanluran hilagang kanluran sa Hilagang Luzon.

NDRRMC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with