‘Green box’ ng tax record ni VP Sara ibabalik ng Senado sa Kamara

MANILA, Philippines —Ibabalik ng Senado sa House Prosecution panel ang green box mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na naglalaman ng tax records ni Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Senador Panfilo Lacson na ito ang napagkasunduan ng mga Senador sa ginanap na caucus noong biyernes.
Matatandaan na ang nasabing green box ay isinumite ng House prosecution panel sa Senado dahil maaring ang laman nito ay mahalaga sa kaso ng Bise Presidente.
Subalit ayon kay Lacson, na hindi trabaho ng impeachment court ang magtago o magbukas ng sealed records.
Maging si Senador Chiz Escudero aniya ay nagsabi na wala silang business para magtago o mag gatekeeping ng ebidensya dahil ang ebidensya ay ipepresenta ng prosekusyon o ng depensa .
Ayon kay Lacson, kaya napagkasunduan nilang mga senador na ibalik ang box sa Kamara dahil ang pagtatago nito ay paglabag sa Section 71 ng National Internal Revenue Code at ang presidente lang ang maaring magbigay ng authority mula sa rekomendasyon ng BIR at Department of Finance. at hindi ang impeachment court o korte ang mag bubukas nito..
Suhestyon naman ng Senador na maaaring kumuha na kaukulang authorization ang prosecutors mula sa Malakanyang kung gusto nitong buksan ang box.
- Latest



















