^

Police Metro

Pinay nurse,nahaharap sa P52 bilyong Healthcare fraud case sa US

Mer Layson - Pang-masa
Pinay nurse,nahaharap sa P52 bilyong Healthcare fraud case sa US
Si Marizel Yukee, na residente ng Las Vegas, ay inisyuhan na ng US District Court for the Southern District sa Texas, Houston Division ng warrant of arrest dahil sa kasong pakikipagsabwatan upang magsumite ng daan-daang milyong dolyar na maling insurance claims para sa mga hindi kinakailangang wound treatments. Kabilang umano sa mga target na pasyente ang mga matatanda, may malulubhang karamdaman, at mga nasa hospice care.
AFP / File

MANILA, Philippines — Isang Filipina nurse practitioner mula sa Tuguegarao City ang nahaharap sa ilang kasong pederal sa Estados Unidos matapos umano’y pamunuan ang isang malawakang healthcare fraud scheme na nagdulot ng halos P52 bilyong pagkalugi sa mga programang Medicare at TRICARE.

Si Marizel Yukee, na residente ng Las Vegas, ay inisyuhan na ng US District Court for the Southern District sa Texas, Houston Division ng warrant of arrest dahil sa kasong pakikipagsabwatan upang magsumite ng daan-daang milyong dolyar na maling insurance claims para sa mga hindi kinakailangang wound treatments. Kabilang umano sa mga target na pasyente ang mga matatanda, may malulubhang karamdaman, at mga nasa hospice care.

Ipinakita sa mga dokumento ng korte na mula Oktubre 2023 hanggang Abril 2026, mahigit US$906 milyon o tinatayang P51.6 bilyon ang halaga ng mga diumano’y pekeng claims na isinumite sa Medicare at TRICARE.

Sa kabuuang halagang ito, nakatanggap umano ang grupo ng humigit-kumulang US$297 milyon o halos P17 bilyon mula sa dalawang government healthcare programs.

Sinasabing ang suspek ay mayroong mga luxury vehicles gaya ng isang Ferrari supercar na nagkakahalaga ng mahigit US$500,000 o nasa P28.5 milyon, mamaha­ling alahas, kabilang na ang isang Bulgari necklace na nagkakahalaga ng US$865,000 o nasa P49.3 milyon, isang tahanan sa Hawaii na nagkakahalaga ng US$1 million o nasa P57 milyon at konstruksiyon ng beach resort sa Santa Ana, Cagayan sa Pilipinas na nagkakahalaga ng US$4.6 milyon o nasa P262.2 milyon, na nais na ngayong mabawi ng federal prosecutors.

NURSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with