^

Police Metro

Pahinante pisak sa salpok ng truck

Ludy Bermudo - Pang-masa
Pahinante pisak sa salpok ng truck
Nililinis ng mga tauhan ng MMDA Road Emergency Group ang mga nabasag na bote ng softdrinks sa isinagawang clearing operations sa kahabaan ng C5-Ortigas Flyover southbound, Pasig City nitong Hunyo 14, 2026, nang sumalpok ang delivery truck ng softdrinks sa isang truck na ikinasawi ng pahinante.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang pahinante nang mapisak ang katawan nito nang bumangga ang kanilang delivery truck ng softdrink sa tumirik na wing van sa C5 Ortigas flyover sa Pasig City, sa kasagsagan ng malakas na ulan, nitong Sabado ng gabi.

Sa ulat, pasado alas-11:00 ng gabi na kasagsagan ng pagbuhos ng malakas na ulan nang bumangga ang isang truck na may kargang mga bote ng softdrinks sa isa wing van na may dalang butil ng mais na nakahinto matapos masiraan sa southbound ng C5, Barangay Ugong, Pasig.

Nabatid na mabilis umano ang takbo ng truck ng softdrinks at hindi umano napansin ng driver na ang nasa unahang wing van na kargado ng mais ay nakatirik.

Hindi na napigilan ng driver ang tuluy-tuloy na takbo at hindi naiwasang bumangga.

Nawasak ang harapang bahagi ng trailer truck at naipit ang pahinante nito at narekober ang kanyang katawan pasado alas-2:00 ng madaling-araw nitong Linggo.

Nagkalat sa kalsada ang mga bote ng softdrinks at butil ng mais matapos ang aksidente.

Nasa kustodiya ng Pasig City Traffic Sector ang driver ng truck, na posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at damage to property.

PASIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with