^

Police Metro

Magkapatid na paslit sinaksak; ina nagsaksak din sa sarili

Joy Cantos, Arnell Ozaeta - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa nasugatan ang magkapatid na paslit na babae nang sila ay ataduhin ng saksak ng kanilang sariling ina na sinaksak din ang sarili sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Pantay Bata, Tanauan City, Batangas nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ang magkapatid na tinukoy lamang sa mga pangalang Faith at Brianna at ina ng mga itong si Brenda, 30-anyos na umano’y dumaranas ng post partum depression na isinugod sa magkahiwalay na pagamutan para malapatan ng lunas.

Sa report ng Tanauan City Police, alas-6:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng tahanan ng pamilya.

Ayon sa mga kapitbahay, tanging ang mag-iina ang tao sa kanilang bahay nang mangyari ang pananaksak dahilan wala ang live-in partner ng desperadong ginang.

Narinig na lamang ng mga kapitbahay ang paghiyaw ng dalawang bata na humihingi ng tulong kaya agad ng mga itong tinawag ang mga opisyal ng barangay na nagtungo sa tahanan ng pamilya ni Brenda at dito na inabutan ng mga ito na may duguan at may mga tama ng saksak ang tatlo.

Nabatid na ang post partum depression ay isang seryosong problema sa kaisipan na may mga pagkakataong nararanasan ng isang babae matapos itong manganak.

INA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with