^

Police Metro

Mas maraming pamilyang Pinoy ang nakaranas ng gutom - SWS

Mer Layson, Angie de la Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) ay nasa 23.2% ng mga pamilyang Pilipino ang nagsabing nakaranas sila ng involuntary hunger sa unang quarter ng 2026.

Ang non-commissioned survey ay isinagawa mula Marso 24 hanggang 31, 2026, sa 1,500 adults sa buong bansa, na isinailalim nila sa face-to-face interviews.

Nabatid na mas mataas ito kumpara sa 20.1% na naitala noong Nobyembre 2025, ngunit mas mababa sa 27.2% noong Marso 2025.

Pinakamataas ang naitalang involuntary hunger sa Visayas na may 28%, kasunod ang Balance Luzon na 22.4%, Metro Manila na 22%, at Mindanao na 21.7%.

Sa kabuuang bilang,17.7% ng mga pamilya ang nakaranas ng moderate hunger o paminsan-minsang gutom, habang 5.5% naman ang nakaranas ng severe hunger o madalas at palagiang gutom.

Lumitaw rin sa survey na tumaas ang hunger rates sa mga pamilyang kabilang sa poor at non-poor families.

Ang survey ay may sampling error margin ng ±3 percent para sa national percentages at subnational margins of error na tig-±6 percent para sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao, at ±4 percent naman para sa Balance Luzon.

HUNGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with