^

Police Metro

‘Tulak’ hinabol ng pulis, dedo sa atake sa puso

Ludy Bermudo - Pang-masa
‘Tulak’ hinabol ng pulis, dedo sa atake sa puso
Stock image of a man suffering from chest pain.
Pixabay / Tumisu

MANILA, Philippines — Namatay ang isang lalaki na kasama sa limang suspek na sinita ng mga pulis sa illegal drugs sa isinagawang anti-criminality operation nang atakihin sa puso, naganap noong Martes ng gabi sa Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City.

Ang suspek na idineklarang dead-on-arrival sa Taguig-Pate­ros District Hospital ay kinilalang si alyas “Michael”, 48-anyos.

Batay sa ulat ng pulisya, bago naganap ang insidente, alas-8:30 ng gabi sa M.L. Quezon St., Brgy. New Lower Bicutan, ­Taguig City ay nagsasagawa ng anti-criminality ope­rations ang mga operatiba ng Taguig City Police-Sub station 9 nang matiyempuhan ang limang suspek na may dalang iligal na droga at inaresto.

Habang inaaresto ay tumakas si Michael patungo sa madilim na bahagi ng isang bahay sa nasabing lugar.

Dito ay hinabol ng mga pulis si Michael at nang makaakyat sa pader ay tumalon ito at wala ng malay sa kanyang pagbagsak.

Agad dinala ng mga pulis sa pagamutan gamit ang ambulansya ng barangay, subalit hindi na nagising pa at sinasabing dahil sa inatake sa puso.

Ang apat nitong kasama ay kinilalang sina alyas “Anthony”, 44; alyas “James”, 43; alyas “Ernie”, 51; at alyas “Rex Kelly”, 48 ay nakumpiskahan ng 4 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P27,200.00 na isinailalim sa inquest proceedings sa Taguig City Prosecutor’s Office sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) Section 11 (possession of illegal drugs).

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with