^

Police Metro

Batang babae nakaligtas sa tangkang pagdukot

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 11-anyos na batang babae na inutusan bumili ng ulam sa karinderya, ang tinangkang dukutin ng isang lalaki sa Sta. Ana, Manila, ka­makalawa.

Nasa ligtas nang kalagayan ang bata habang mabilis na tumakas ang hindi pa kilalang suspek, sakay ng isang bisikleta.

Sa ulat, alas-11:00 ng umaga nitong Huwebes nang maganap ang insidente sa Barangay 905, Punta, Sta. Ana.

Makikita sa kuha ng CCTV sa lugar, na bago ang tangkang pagdukot ay nakatayo ang isang lalaking nakaputi sa gilid ng kalsada habang dumaan ang biktima sa kaniyang harapan.

Kaagad umanong sinundan ng lalaki ang bata na nagtungo sa isang karinderya.

Kinausap umano ng lalaki ang bata at maya-maya pa ay magkasama na silang naglakad palayo sa naturang lugar.

Sa iba pang kuha ng CCTV, makikita naman ang biktima na naglalakad, kasabay na ang lalaki, habang akay nito ang kaniyang bisikleta.

Nang makalayo sila at makarating sa Barangay 899, dito na isinakay ng suspek ang bata sa bisikleta.

Mabuti na lamang umano at isang kumpare ng kanyang tatay na noon ay sakay ng isang jeep, ang nakakita sa biktima na angkas ng suspek.

Nagduda umano ito nang makitang inaamuy-amoy pa ng suspek ang buhok ng biktima kaya’t kaagad itong bumaba ng jeep at hinabol ang dalawa.

Nang maabutan, agad umanong pinababa nito ang bata sa bisikleta matapos na sabihin ng paslit na hindi naman niya kilala ang lalaki.

Mabilis namang tumakas ang suspek, na pinaghahanap na ng mga otoridad.

Sa kuwento ng bata sa kanyang ama, sinabi nitong sumama siya sa suspek matapos siyang pangakuan na bibigyan ng pagkain at pera at ng padalang gamit ng kanyang nanay na nasa probinsiya, dahil hiwalay na ito sa kanyang ama.

ABDUCTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with