Pumatay ng utol, dedbol sa mga pulis
MANILA, Philippines — Sa halip na sumuko sa mga pulis matapos mapatay sa taga ang kapatid ay nanlaban umano ito kayat binaril ng mga pulis naganap sa Purok Hayahay, Barangay San Antonio, Tukuran sa Zamboanga del Sur nitong Sabado.
Sa mga hiwalay na ulat nitong Lunes ng Tukuran Municipal Police Station at ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office, unang napatay gamit ang isang itak ni Roberto Behante ang kanyang kapatid na si Ernesto.
Nagtangkang tumakas si Behante ngunit nasukol ng mga barangay officials at mga pulis na nagresponde sa insidente. Nang tangkang aarestuhin ay biglang nanlaban at muntik pang makataga ng mga aaresto sa kanya kaya siya binaril ng mga ito na nagresulta sa kanyang pagkamatay.
Ayon sa mga local executives sa Tukuran, matagal ng may matinding alitan ang dalawang magkapatid.
- Latest






















