^

Police Metro

3 wanted na pumalag sa arrest warrant, patay sa shootoout

John Unson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong lalaki na wan­ted sa pagnanakaw ng motorsiklo at drug trafficking ang nasawi nang makipagbarilan sa mga awtoridad matapos pumalag sa isisilbing warrant of arrest sa kanila naganap kahapon sa Brgy. Kilada, Matalam, Cotabato.

Kinilala ang nasawing wanted na si Ian Unsil Manial, 30-anyos habang inaalam pa ang pagkaka­kilanlan ng dalawang kasama nito.

Sa ulat, nagtungo ang mga pulis sa bahay ni Manial sa Purok 6 ng nasabing barangay upang isilbi sana ang warrant of arrest.

Papalapit pa lamang ang mga pulis nang pagbabarilin ng mga suspek gamit ang M16 assault rifle kaya’t napilitang gumanti ang mga una na kung saan ay napatay ang tatlo.

Nabatid na si Manial ay wanted ng mahigit 10 high-profile criminal cases na nakapending sa iba’t ibang korte sa Cotabato habang ang dalawang kasama nito ay nagbebenta ng shabu at marijuana sa kalapit na mga bayan ng lalawigan.

SHOOTOUT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with