^

Police Metro

Magdyowa arestado sa pagtangay ng nakaparadang motor

Ed Amoroso - Pang-masa
Magdyowa arestado sa pagtangay ng nakaparadang motor
Sa ulat, humingi ng tulong sa mga otoridad ang estudyanteng biktima na si Wins Earl Mettle Caranay, 19, at sinabing ang Yamaha Mio (D606CL) niya ay ninakaw ng mga suspek habang nakaparada sa Gems Ville Subdivision bandang alas-9:00 ng gabi.
STAR / File

MANILA, Philippines — Isang magdyowa ang inaresto ng mga otoridad dahil sa umano’y pagnanakaw ng motorsiklong nakaparada na pag-aari ng isang estudyante sa Brgy.Bucal, Calamba City, Laguna, noong Sabado ng gabi. Kinilala ni P/Lt. Col. Dennis De Guzman, hepe ng Calamba police, ang magdyowang suspek na sina Mark Lexter Villanueva, 19; at Rizza Mae Gamboa, 21 na kinasuhan ng carnapping.

Sa ulat, humingi ng tulong sa mga otoridad ang estudyanteng biktima na si Wins Earl Mettle Caranay, 19, at sinabing ang Yamaha Mio (D606CL) niya ay ninakaw ng mga suspek habang nakaparada sa Gems Ville Subdivision bandang alas-9:00 ng gabi.

Nakuhaan ng CCTV footage ang magdyowa sa aktong kinuha ang motorsiklo at nang isagawa ang backtracking ay nalaman kung saan nakatira ang mga una kaya’t mabilis na sila ay inaresto.

CALAMBA CITY

LAGUNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with