^

Police Metro

Rescue vehicle nahulog sa ilog: 4 todas, 12 nasagip   

Joy Cantos, John Unson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat katao kabilang ang isang mag-asawa at anak nilang lalaki ang iniulat na nasawi habang 12 pa nilang kasama ang nasagip makaraang aksidenteng mahulog sa ilog ang kanilang sinasakyan nang tangaying ng malakas na agos sa spillway sa isang liblib na lugar sa lalawigan ng Zamboanga del Norte nitong Lunes ng hapon.

Ang apat na nasawi ay mag-asawang sina Nicanor Alfuro at Michelle; anak si Nathan; at Roxanne Calibugan.

Sa report ng Dumingag Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), nangyari ang trahedya bandang alas-3:00 ng hapon habang ang rescue vehicle na pag-aari ng pamahalaang bayan ng Dumingag ay bumabagtas sa Brgy. El Paraiso, La Libertad ng nasabing probinsya.

Sa imbestigasyon, ang mga biktima ay galing Calamba, Misamis Occidental matapos na dumalo sa isang fellowship sa Adonao Elohim House of Prayer at kasalukuyang pauwi nang mangyari ang trahedya.

Nang matanggap ang report ay agad namang nagsagawa ng search and rescue operation ang mga pulis katuwang ang mga bumbero at ilang mga sibilyang volunteer at naisugod ang mga biktima sa pagamutan pero dalawa ay idineklarang dead-on-arrival habang ang dalawa ay binawian naman ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

AKSIDENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with