^

Police Metro

Driver at operator ng taxi sa viral overcharging sa NAIA, kinasuhan

Angie dela Cruz - Pang-masa
Driver at operator ng taxi sa viral overcharging sa NAIA, kinasuhan
A photo of a Taxihub cab.
Miguel De Guzman / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Kinasuhan ng kriminal ng Land Transportation Office (LTO) ang driver at operator ng taxi na nag-viral sa social media dahil sa mataas na pasahe na sinisingil nito sa kanyang pasahero na umabot ng P1,300 para sa short trip mula lamang NAIA Terminal 2 papuntang NAIA Terminal 3.

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza, kasong paglabag sa Public Service Act ang naisampa sa Pasay City Prosecutor’s Office laban sa ­lalaking driver at ope­rator na babae kaugnay nang insidente.

Binigyang diin ni Mendoza na ang pagsasampa ng kaso ay resulta nang ginawang imbestigasyon na ang taxi sa video ay rehistrado bilang private vehicle at hindi isang pampasaherong sasakyan.

Sa imbestigasyon, ­inamin ng driver na siya ay nag-overcharging sa kanyang pasahero noong Hunyo 11 sa NAIA Terminal 2 na malapitang ruta lamang papuntang Terminal 3.

Dito nalaman din ng LTO na illegal na nagsasakay ng pasahero ang sasakyan kahit hindi rehistratdo bilang public utility vehicle.

Sinabi ni Mendoza na may malakas na ebidensiya ang LTO para mapagpanagot ang mga res­pondents sa kaso.

Nanawagan si Mendoza sa publiko na agad ipaalam sa LTO at DOTr ang anumang ganitong insidente at iba pang pang-aabuso ng mga motorista laluna sa mga pampasaherong ­sasakyan para maparusahan.

NAIA

TAXI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with