Taas-presyo ng mga de-lata at iba pang produkto asahan

MANILA, Philippines — Asahan na ang dagdag presyo ng mga de-lata at iba pang produkto sa pamilihan kasunod nang bigtime oil price hike.
Ito ang pag-amin ng grupo ng mga may-ari ng supermarket dahil sa ipapasa nila sa consumers ang magiging dagdag na gastos sa paggawa ng mga produkto na kinabibilangan ng mga de-lata at iba pa bunsod ng malakihang pagtataas ng presyo ng petrolyo ngayong linggo.
“Ipapasa sa amin ng distributor kung sino man ang nag-deliver sa amin, supplier namin. And then we’ll have to pass on to consumers,” pahayag ni Philippine Amalgamated Supermarkets Association president Steven Cua.
Paliwanag ni Cua, maaring itaas ang mga manufactured item tulad ng mga de-lata, processed foods, at iba pa dahil magpapalaki ng distribution cost.
Ang mga supermarket owners naman ang magtatalaga kung magkano pa ang ipapatong sa mga kasalukuyang presyo ng mga produkto.
Nakatakdang ipatupad ang bigtime price hike sa mga produktong petrolyo ngayong Martes, na epekto ng tensyon sa Israel-Iran conflict.
- Latest