DOJ, ‘di susuko sa kaso ng ‘missing sabungeros’

MANILA, Philippines — “Hindi kami nag gi-give up. We have not given up on anything or anybody. Ganon lang talaga, mabagal minsan ang kaso”.
Ito ang tiniyak kahapon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa mga pamilya ng mga nawawalang sabungero na patuloy na iniimbestigahan ng gobyerno ang kanilang kaso.
Sinabi ni Remulla na may close coordination ang DOJ kay Philippine National Police Chief, General Nicolas Torre III.
Aniya, pinoproseso na ang mga impormasyon kabilang ang testimonya ng whistleblower na si ‘Totoy’ na ang mga nawawalang sabungero ay itinapon sa Taal Lake.
Ayon kay Remulla, nakausap na niya si ‘Totoy’ tungkol sa posibleng pagpasok niya sa Witness Protection Program.
May hawak din aniya, silang ibang klaseng ebidensya na maaring gamiting corroborative evidence.
- Latest