Mga ginagawa ni Marcos, ‘di ramdam ng mamamayan - VP Sara

MANILA, Philippines — Hindi umano ramdam ng mga mamamayan ang mga ginagawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa bansa.
Ito ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte kay Marcos Jr. sa isang media interview sa Melbourne, Australia nitong Linggo nang hingian ng reaksiyon sa pahayag ng pangulo na higit nakapokus sa pangangailangan ng mga mamamayan kaysa sa impeachment.
“Well, good for him and we hope to see some sort of truth to his statement that he is focusing on helping our fellow Filipinos and doing something for the country,” ayon kay VP Sara.
Aniya pa, “Unfortunately, if you talk to the ordinary citizens and the Filipino community abroad, we don’t see anything at all.”
Pinuna rin naman ng bise presidente ang aniya’y magkakaibang pahayag ng pangulo,simula pa lamang ng kany ang administrasyon at binansagan itong ‘hallmark of a scammer.’
- Latest