^

Police Metro

Lalaki sinilaban ng selosong mister

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa kritikal na kalagayan sa ospital ang isang lalaki nang sabuyan ng gasolina at sindihan ng isang lalaki na nagseselos sa kanya naganap sa Brgy. Pitogo, Taguig City.

Ang 28-anyos na biktima ay si alyas “James”, binata, nagtamo ng 3rd degree burns sa iba’t ibang bahagi ng katawan at mukha.

Tumakas naman ang suspek na si alyas “Gregorio”, 43, machine ope­rator ng Quezon City ay naisyuhan ng barangay protection order upang hindi makalapit sa kaniyang misis sa reklamong madalas na pananakit, verbal at psychological abuse.

Ayon sa Taguig City Police Station, alas-10:22 ng umaga noong Biyernes ay nakaupo ang biktima at nagse-cellphone nang lapitan ng suspek at buhusan ng dalang supot na may lamang gasolina at sinindihan ng lighter.

Nagpulasan ang mga taong tambay ngunit may isang ginang na naglalaba sa lugar ang napaso sa binti.

Pahayag ng isang saksi, nagsabi pa ang suspek na “ito ang regalo ko sayo,” bago ang pagbuhos ng gasolina.

Nabatid na nagharapan na sa barangay ang biktima at suspek dahil sa pagbabanta ng huli sa una sa hinala na may relasyon ito sa kanyang misis.

Ikinuwento ng ina ng biktima marami rin umanong pinagseselosang lalaki ang suspek, hindi lamang ang kaniyang anak.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with