^

Police Metro

Dating brodkaster inutas ng riding-in-tandem  

Joy Cantos, John Unson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang dating radio broadcaster ang nasawi nang pgbabaril sa loob ng isang spa sa ­Barangay Lagao, General Santos City, kahapon ng umaga.

Idineklarang dead- on-arrival sa ospital ang biktimang si Ali Jejon Macalintal, kasapi ng LGBTQ community, ­dating empleyado ng AM at FM station sa General Santos City.

Sa inisyal na ulat ng General Santos City Police Station, alas-6:00 ng umaga ay nasa loob ng Delmont Spa ang biktima na matatagpuan sa Calina St. nang pasukin ng isang salarin at paputukan ng baril sa dibdib at tiyan.

Nang masigurong patay na ang biktima ay tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo na minamaneho ng kasama na nagsilbing lookout.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya at inaalam ang motibo ng krimen.

RIDING-IN-TANDEM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with