^

Police Metro

P20/kilo bigas target ni Pangulong Marcos sa buong bansa

Mer Layson - Pang-masa
P20/kilo bigas target ni Pangulong Marcos sa buong bansa
Varieties of rice are on display for sale at Kamuning Public Market in Quezon City on March 18, 2025.
STAR/ Michael Varcas

MANILA, Philippines — Target ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na gawing available para sa publiko sa buong bansa ang P20 per kilo na halaga ng bigas at maisulong ang layuning ‘bigas for all’.

Sa kasalukuyan ay nabibili ang P20 per kilo na halaga ng bigas sa mga Kadiwa ng Pangulo shops para sa mga napapabilang sa vulnerable group, kabilang ang mga indigent, senior citizens, solo parents, persons with disabilities, at minimum wage earners.

Ayon kay Pangulong Marcos plano ring sagutin na ng national government ang lahat ng gastusin para sa Benteng Bigas Meron Na program kung saan hindi na kakailanganing maglabas ng pondo ng local government units (LGUs) para dito.

Ang pahayag na ito ng pangulo kamakailan ay dahil sa paglawig ng ekonomiya ng bansa sa 5.4 percent sa unang quarter ng 2025, dahilan para mapasama ito bilang isa sa fastest-growing economies sa ASEAN region sa kabila ng mga pangdaigdigang problema.

Inaasahang lalago sa 6 percent ang ekonomiya ng bansa sa mga susunod na buwan at mapapasama ang Pilipinas sa mayroong leading economies sa ASEAN region.

Ayon sa pangulo na projection na ito ay kasunod nang pagpapatupad ng food security initiatives ng pamahalaan na ngayon ay fully operational na at layong mapagbuti ang agricultural productivity at masiguro ang pagkakaroon ng stable na food supply para sa mga mamamayan.

BIGAS

RICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with