DILG, inalok LGUs ng ‘Buy One, Give One’ scheme

Para sa Metro Manila police vehicles
MANILA, Philippines — Inialok ni DILG Secretary Jonvic Remulla sa mga alkalde sa Metro Manila ang ‘Buy One, Give One’ Scheme para sa police vehicles.
Sinabi ng kalihim na sa bawat police vehicle na bibilhin ng LGU ay bibigyan sila ng karagdagan pang isang unit mula sa pamahalaan.
Layon ng inisyatibang ito na palakasin ang police vehicle-to-population ratio at pagandahin ang response times sa National Capital Region (NCR).
Ang pagbili aniya ng mga karagdagang sasakyan ng pulisya ay naaayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang emergency at crisis response mechanisms sa buong bansa.
Plano rin ng DILG na makakuha ng mas maraming police motorcycles na tumutugma sa riding competency ng mga police personnel.
- Latest