DOTr, inihahanda na ang P2.5 bilyong fuel subsidy sa mga transport group

MANILA, Philippines — Bunsod ng lumalalang tensyon sa pagitan ng Iran at ng Israel ay pinaghahandaan na ng Department of Transportation (DOTr) ang mga guidelines para sa distribusyon ng fuel subsidy na ipapamigay sa mga maaaring lubhang maapektuhan ng pagtaas ng presyo ng krudo at petrolyo.
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, mayroong nakalaan na P2.5 bilyong piso para sa fuel subsidies na ipapamahagi ng departamento.
Aniya, inihahanda na ang mga guidlines para agad na makakuha ang mga tsuper at mga sektor na lubhang maapektuhan ng pagtaas ng presyo.
Tiniyak din ni Dizon na ang naturang sabsidiya ay siguradong matatanggap ng mga benepisyaryo nito dahil malaki-laki rin aniya ang hawak nilang pondo sa ngayon para rito.
Nanawagan naman ang kalihim sa mga transport groups at ilang mga operators na huwag na gumawa ng mga kilos-protesta dahil may tulong naman na paparating kung saan ang naging direktiba rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay agad na ipamahagi sa mga nangangailangan ang naturang sabsidiya.
- Latest