Ligtas Pinoy Centers Act, ipatupad na – Go
MANILA, Philippines — Sa pagpasok sa bansa ng tag-ulan at paulit-ulit na insidente ng mga sunog sa maralitang lungsod, binigyang-diin ni Senador Christopher “Bong” Go ang kahalagahan ng pagpapabilis at ganap na pagpapatupad ng Republic Act No. 12076, o ang Ligtas Pinoy Centers Act.
Hinimok ni Go ang mga kinauukulang ahensya na kumilos nang mabilis sa pagtatatag ng permanente, ligtas, at kumpleto sa gamit na evacuation center sa lahat ng lungsod at munisipalidad, ayon sa iniaatas ng bagong batas.
Pinagtibay noong Disyembre 6, 2024, ang panukalang-batas ay nag-institutionalize ng marangal at maayos na sistema ng pagtugon sa kalamidad sa buong bansa.
Si Go ang punong may-akda at co-sponsor ng batas. “Walang pinipiling oras o panahon ang kalamidad — sunog man o bagyo, laging may apektadong pamilya. Kaya dapat masigurong may maayos na evacuation center sa bawat lungsod at distrito,” anang senador. “Naglalayon po ang batas na ito na magtatatag ng mandatory evacuation centers sa lahat ng lungsod at distrito para mapangalagaan ang dignidad ng mga evacuees,” idinagdag niya.
Ginawa ni Go ang panibagong panawagan matapos bisitahin ang mga nasunugan sa Tondo, Maynila.
- Latest