Alert level 3 itinaas sa Israel at Iran - DFA

Voluntary repatriation ng mga Pinoy, inilarga…
MANILA, Philippines — Dahil sa tumitinding giyera sa pagitan ng Israel at Iran, itinaas na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa alert level 3 ang krisis sa Israel at Iran.
Bunsod nito, hinikayat ng pamahalaan ang mga Pinoy sa naturang mga bansa na mag-avail ng voluntary repatriation sa gitna ng bakbakan.
Sa pahayag ng DFA, dapat na ikonsidera na ng mga filipino at kanilang mga pamilya ang repatriation para maiwasan na maipit sila sa gitna ng patuloy na labanan ng Israel at Iran.
Sa ilalim ng Crisis lebel 3 o voluntary repatriation ay ipatutupad ng gobyerno ng Pilipinas sa naturang mga bansa dahil sa lumalalang kondisyon sa seguridad doon.
Tinatayang 30,000 manggagawa, karan.
iwan ay caregivers ang nasa Israel at mahigit sa 1,000 ang nasa Iran.
“All overseas Filipinos in Israel and Iran are enjoined to return to the Philippines,” ayon sa DFA.
Dini-discouraged naman ng DFA ang mga Filipino na magtungo sa mga nasabing bansa dahil sa patuloy na krisis doon at pagsasara ng kanilang airspace at seaports.
Ang mga nagnanais naman na umalis sa Israel at Iran ay pinapayuhan ng DFA na makipag-ugnayan sa Embahada para sa kanilang repatriation
- Latest