^

Police Metro

P219.5 milyong smuggled fuel nakumpiska ng BOC

Pang-masa
P219.5 milyong smuggled fuel nakumpiska ng BOC
Ayon kay BOC Commissioner Bien Rubio mahalagang paigtingin ang kampanya at operasyon laban sa ilegal na pagpasok sa bansa ng unmarked fuel dahil maliban sa epekto nito sa ekonomiya, delikado rin ito sa mga consumer.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa P219.5 milyon halaga ng smuggled fuel ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) Customs Intelligence and Investigation Services-Manila International Container Port (CIIS-MICP) noong Huwebes matapos matanggap ang ulat hinggil sa modus ng “paihi” o ilegal na pagsasalin ng produktong petrolyo sa La Union Port.

Ayon kay BOC Commissioner Bien Rubio mahalagang paigtingin ang kampanya at operasyon laban sa ilegal na pagpasok sa bansa ng unmarked fuel dahil maliban sa epekto nito sa ekonomiya, delikado rin ito sa mga consumer.

Ayon kay BOC-CIIS Director Verne Enciso, nahuli ng composite team ng BOC-CIIS, PCG, at NBI agents ang MT Bernadette sa aktong naglilipat ng diesel sa lorry truck at dalawang truck na nakitaang naglalaman ng diesel fuel.

Sa inisyal na ­imbentaryo, lulan ng motor tanker ang nasa 200,000 liters ng diesel fuel habang ang lorry trucks ay may karga na 19,000 liters ng diesel fuel at 40,000 liters ng diesel fuel na sa kabuuang nakumpiska ay nasa 259,000 liters.

Bigo naman ang 10 crew ng MT Bernadette na magpakita ng dokumento na magpapatunay na legal ang kanilang aktibidad kaya’t sila ay inaresto.

Siniguro naman ni Deputy Commissioner for Intelligence Group Juvymax Uy na masasampahan ng kaso at mapapatawan ng parusa ang mga sangkot sa aktibidad.

BOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with