Gasolinahan sa Tondo sumabog: 3 sugatan

MANILA, Philippines — Tatlong construction worker ang sugatan matapos tamaan ang pipeline ng krudo sa ilalim ng lupa ng ginagawang storage nang biglang may pagsabog sa isang gasoline station sa Tondo, Maynila, Sabado ng umaga.
Nagtamo ng burn injuries sa mukha at iba pang parte ng katawan ang mga biktimang sina Edzel Eustaquio, 24 anyos; at Arnulfo Meru, 25-anyos; habang sugatan lamang sa mukha at kamay ang biktimang si Alvin Pagtabunan, 31-anyos, pawang residente ng Barangay 20, Isla Puting Bato, Tondo na kasalukuyan pang nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Hospital.
Sa ulat ng Manila Police District-Station 1, dakong alas-9:00 ng umaga nang mangyari ang pagsabog sa loob ng Mega Genesis Trading Corporation sa Road 10, Magsaysay Village, Vitas, Tondo.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagtatrabaho ang mga biktima sa loob ng Mega Genesis Gasoline Warehouse bilang construction workers sa ilalim ng Jet Fuel Construction Corporation, para sa imbakan ng crude oil, nang may tamaan at mabutas umano ang isang pipeline na konektado sa crude oil dahilan upang sumabog.
- Latest