^

Police Metro

P10 bilyong halaga ng shabu nasabat sa Zambales

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umaabot sa P10 bil­yong halaga ng shabu ang nasamsam ng Philippine Navy sa isang fishing vessel sa karagatan ng Zambales, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay PN spokesperson Captain John Percie Alcos, ala-1:30 ng madaling araw nang inspeksiyunin ng mga tauhan ng Northern Luzon Naval Command (NLNC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasabing fishing vessel makaraang makatanggap ng tip na may karga itong kontrabando. Ang naturang fishing boat ay pinamamahalaan umano ng mga foreign nationals.

Dito ay bumulaga sa mga otoridad ang nasa 1.5 tonelada ng shabu na tinatayang street value na P10 bilyon na agad na dinala sa Naval Opera­ting Base sa Subic para sa documentation.

Simula pa noong nakaraang buwan ay sunud-sunod ang mga nasasamsam na mga iligal na droga sa West Philippine Sea.

Ayon sa PDEA, posibleng may koneksyon ito sa internatio­nal criminal syndicate na “Sam Gor,” na kumikilos sa iba’t ibang bansa sa Asia-Pacific region, kabilang ang Pilipinas.

SHABU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with