‘Missing sabungeros’ ‘di bababa sa 100 - DOJ

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi bababa sa 100 ang “missing sabungeros” na ibinaon sa Taal Lake, malayo sa bilang na 34.
Ayon kay Remulla na ang technical divers mula sa Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy (PN) ang sisisid sa Taal Lake upang hanapin ang mga nawawalang sabungero na binigti ng alambre muna bago itinapon sa nasabing lawa matapos na ibunyag ng isang alyas “Totoy”, isa sa mga akusado.
Pinag-aaralan din kung puwedeng gawing state witness si alyas ‘Totoy’ at handa rin si Remulla na makipag-usap sa sinumang indibidwal na lulutang at magbibigay ng impormasyon hinggil sa kaso.
- Latest