BIR suportado na gawing ‘top investment hub’ ang Pinas
MANILA, Philippines — Mas pinaigting ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga hakbang nito, alinsunod na rin sa hangarin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tulungan ang mga lokal at dayuhang mamumuhan sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo dito at maabot ang layuning maging pangunahing investment destination ang Pilipinas.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., inatasan niya ang lahat ng tanggapan ng kanilang kawanihan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa na alalayan at bigyang prayoridad ang lahat ng local at foreign investors partikular ang nasa hanay ng mga pangunahing negosyo sa ilalim ng tinatawag na “Investment Facilitation Network.”
“This is in line with PBBM’s call to make the Philippines a top investment destination. The BIR will do its role in attracting investors. Nation-building requires both the public and private sector to work together, in harmony,” sabi pa ni Lumagui.
Dagdag ng BIR chief, bilang bahagi ng Investment Facilitation Network (INFA-Net), na isang 36-agency body na binuo sa ilalim ng Executive Order No. 18, ang BIR ay may tungkulin na bilisan ang proseso nang pagpaparehisto ng mga investment na inendorso ng Board of Investments (BOI), gayundin ang gawing simple ang pagsusumite ng tax-related requirements sa bawat strategic investments.
- Latest