VP Sara, lalahok sa ‘Free Duterte Now’rally sa Australia

MANILA, Philippines — Bibiyaheng Australia si Vice President Sara Duterte para sa kaniyang personal trip.
Ito ang kinumpirma ng Office of the Vice President (OVP) kung saan dadalo ang pangalawang pangulo sa protesta para ipanawagan ang paglaya ng kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa abiso ng OVP, dadalo si VP Sara sa “Free Duterte Now” rally sa Linggo na gaganapin sa Melbourne.
Noong nakaraang linggo nang magtungo naman si VP Sara sa Malaysia para sa personal trip kasama ang pamilya at dumalo rin siya sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan at nakisalamuha sa Overseas Filipino Workers.
- Latest