Hotel sa Quezon City ipinasara dahil sa pagpapasok ng mga menor-de-edad
MANILA, Philippines — Ipinasara ng Quezon City government ang isang hotel na matatagpuan sa Barangay Novaliches Proper dahil sa paglabag sa ordinansa.
Personal na kinandado ng mga kasapi ng QC Business Permits and Licensing Department (BPLD) ang MC Hotel sa nagpapapasok at nagpapainom ng mga menor-de-edad.
Base sa ulat ng Social Services Development Department (SSDD) at Philippine National Police (PNP) na pinayagan ng pamunuan ng hotel na pumasok ang mga nasa 20 menor-de-edad.
Binentahan din at hinayaan ang mga ito na uminom ng mga nakakalasing na inumin.
Ni-rescue ng SSDD ang mga menor-de-edad na sangkot.
- Latest