^

Police Metro

5 kotongerong airport police sa mga taxi driver, sinibak

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Limang miyembro ng Airport Police Department (APD) na sangkot umano sa pangingikil sa mga taxi driver, na naniningil naman nang sobra-sobra mula sa kanilang mga pasahero ang sinibak sa puwesto.

Ayon sa Manila International Airport Autho­rity (MIAA),nakatanggap sila ng mga report na umano’y tumatanggap ng bayad mula sa mga taxi driver ang ilang airport police kapalit ng hindi otorisadong pag-access sa mga airport passenger pick-up area.

Nangako si MIAA General Manager Eric Jose Ines ng masinsinan at walang kinikilingan na imbestigasyon, alinsunod sa direktiba ni Department of Transportation Secretary Vince Dizon na alisin ang lahat ng uri ng katiwalian at pang-aabuso sa loob ng transportation system.

Bumuo rin ang MIAA ng isang investigating committee sa ilalim ng kanilang Intelligence and Investigation Division upang matiyak ang isang patas na imbestigasyon.

AIRPORT POLICE DEPARTMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with