Chief of police ‘caught in the act’ ni misis sa hotel
MANILA, Philippines — Nagsampa ng reklamo ang isang misis laban sa kanyang mister na hepe ng pulisya sa isang bayan sa lalawigan ng Quezon matapos na mahuli niya ito sa akto kasama ang kabit nito na hubo’t hubad sa loob ng isang hotel sa Tayabas City, nitong Martes ng gabi.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9262 (Psychological Abuse) ang hepe ng pulisya na itinago sa pangalang “Chief Adonis” na pinaghahanap ng pulisya matapos na makatakas.
Nabatid na nagtungo sa Tayabas City police station ang 42-anyos na misis na isang guro sa mister niyang si “Chief Adonis nang mahuli niya ito sa akto sa loob ng Roadside Hotel, sa Barangay Wakas, Tayabas City na walang anumang saplot kasama ang kanya umanong kabit na babae.
Nagkaroon ng komosyon sa hotel, kaya’t nagawang makasakay ng sasakyan si Chief Adonis at ang kanyang kerida patungo sa direksyon ng Lucena City.
Bago ang insidente ay nakita ng misis sa cellphone ng mister na nagpapadala ng malalaswang larawan sa kabit nito na naging sanhi ng kanyang matinding emosyonal na paghihirap at pagdurusa kaya’t gumawa ito ng hakbang para mahuli sa akto.
- Latest